Posibleng magkaroon ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sakaling makapasok ang BA.4 at BA.5 sa bansa.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research na walang dapat ipagalala kahit pa dumaan ang pilipinas sa isang super spreader event bunsod ng nagdaang eleksyon.
Ngunit ipinabatid ni David na ibang usapan na kung makapasok sa teritoryo natin ang dalawang nasabing variant na mabilis na kumalat sa South Africa at New York sa Amerika.
Maliban sa nasabing mga bansa, mayroon na rin ito sa Canada at Europe.
Isang malaking concern aniya kapag nakalusot ang Ba.4 at Ba.5 na siguradong magbibigay ng potential increase sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.