Nakitaan ng OCTA research group ang CALABARZON ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ito’y matapos makapagtala ang Cainta, Rizal ng 49 na bagong kaso ng mula nolong ika-10 hanggang ika16 ng Marso.
Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, kailangan lumabas ng publiko para magtrabaho kaya hindi sila nagpatupad ng curfew sa lungsod.
Patuloy namang paiigtingin ng ilang lugar ang pagpapatupad ng health protocols sa kanilang mga lugar.
Nanawagan naman si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na pag-aralan mabuti ang pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila at Cavite dahil hindi ito epektibo kung sa isang lugar lamang ang lockdown.
Samantala, tutol naman ang Cavite Governor na si Jonvic Remulla sa pagpapatupad ng boundary control sa 19 na border ng probinsiya.— sa panulat ni Rashid Locsin