Posibleng umabot na sa peak o sukdulan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Binigyang diin ito ni Dr. Guido David, Fellow ng OCTA Research Group matapos bumaba pa sa 1.22 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR.
Gayunman, sinabi ni David na kailangan pang magkasa ng mga hakbanging magpapababa pa sa reproduction number.
Bukod sa reproduction number, ipinabatid ng OCTA Group na bumaba rin sa 24% ang positivity rate sa Metro Manila.