Asahan na ang pagsisikip ng mga kulungan sa bansa sa pagbabalik ng oplan tokhang.
Ayon ito kay DILG Undersecretary Jesus Hinlo na nagsabi ring mahigit kalahati ng mga preso sa buong bansa ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Dahil dito, sinabi ni Hinlo na kailangang maghanap ng ibang paraan ng gobyerno para ma accommodate ang mga sumusukong drug users lalo na’t wala namang kakayahan ang BJMP para sa expansion ng kanilang mga pasilidad.
Ipinabatid ni Hinlo na walang pondo ang DILG para ibili ng lupa at umaasa lang sa donasyon ng local government units at mga pribadong indibidwal.
By Judith Larino