Mas pinaaga na ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay sa EDSA busway.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pinaaga pa sa Disyembre 1 ang Libreng Sakay sa mga bus, mula sa dapat na petsa nito sa Disyembre 15.
Agad namang inatasan ng DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na maaga nang ipatupad ang inisyatiba.
Ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay bilang tugon sa dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, lalo’t binago na rin ang pagbubukas ng mga mall.
Tiniyak naman ng DOTr na magpapalabas ng board resolution ang LTFRB, para maisapormal ang implementasyon sa ilalim ng Service Contracting Program.