Maaari pa din asahan ang pagkakaroon ng maulap na kalangitan na mayroong mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, northern Mindanao Caraga at mga probinsiya ng Leyte.
Ayon kay Jun Galang, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay bunsod ng hanging habagat na nakakaapekto pa din sa southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Galang na maaari na din asahan ang pagpasok ng malamig na hangin o ang pagsisimula ng panahon ng amihan sa susunod na buwan.
“Sa mga lalabas, ingat pa rin po magdala ng payong nasa panahon pa rin tayo ng tag-ulan, umiiral pa rin po ang habagat sa southern Luzon at Visayas, pero unti-unti ‘yung hangin sa may northern Luzon ay nag no-northeast na, magkakaroon na tayo ng transition period.” Ani Galang.
By Katrina Valle | Ratsada Balita