Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Northeast monsoon o Amihan season.
Ito’y matapos maobserbahan ang paglakas ng northeasterly winds sa hilagang bahagi ng Luzon, matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito.
Ayon pa sa state weather bureau, inaasahan din ang sunod-sunod na pagbugso ng northeasterly winds sa susunod na dalawang linggo.
Kaugnay nito, asahan na ang malamig na panahon, na titindi pa sa mga susunod na araw.