Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng face-to-face classes sa mga piling pampubliko at pribadong paaralan sa susunod na buwan.
Nabatid na aabot sa 90 paaralan ang makikilahok sa isasagawang pilot run ng face-to-face classes sa Nobyembre 15, habang nasa 20 pribadong paaralan naman ang kinukunsidera para magsimula ng face-to-face classes sa Nobyembre 22.
Ide-deploy ang mga tauhan ng PNP para mabantayan kung nasusunod ang ipinatutupad na health standards sa loob at labas ng Paaralan.
Sa ngayon, patuloy na tinututukan ng PNP ang kaligtasan ng bawat isa hindi lang sa banta ng COVID-19 kundi pati na rin sa iba pang banta sa seguridad ng mga guro at estudyante.—sa panulat ni Angelica Doctolero