Umarangkada na ngayong araw ang pagsisimula ng face-to-face classes matapos ang dalawang taong implementasyon ng distance learning bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesman Michael Poa, may kabuuang 24, 175 na paaralan ang magpapatupad ng limang araw na pasok para sa face-to-face classes; 29, 721 na paaralan ang magdaraos ng klase sa pamamagitan ng blended learning na mayroong three day in-person classes kada linggo; habang mahigit 1K paaralan naman ang hindi kasama sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
Nilinaw ni Poa na ang distance learning ay para lamang sa mga naapektuhan ng mga kalamidad, tulad ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon.
Matatandaang una nang iniutos ni DepEd chief at Vice President Sara Duterte-Carpio sa lahat ng paaralan na bumalik na sa normal na klase ang mga estudyante sa Nobyembre a-2 pero maaari umanong magbigay ng mga exemption sa mga “specific areas.”