Inanunsyo ng PAGASA na posible nang ideklara ang pagsisimula ng La Niña season sa mga darating na araw.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, maaari na nilang ideklara ang pagsisimula ng short-lived La Niña o La Niña-like condition ngayong linggo o kaya sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya PAGASA, posibleng tumagal ang nasabing weather phenomenon hanggang sa unang quarter ng 2025.
Dahil dito, sinabi ng weather-state bureau na mas malaki ang tyansa na mamuo ang convective clouds na nagdadala ng mga pag-ulan, pagkidlat-pagkulog, at tropical cyclones, na maaaring magdulot ng higit sa normal na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Binigyang-diin ng ahensiya na posible ring magresulta sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar ang La Niña.