Sinimulan nang isailalim sa araw-araw na COVID-19 tests ang mga manlalaro ng NBA ngayong weekend.
Ito ay bilang paghahanda para sa inaasahang pagsisimula na ng 2020-21 season ng NBA.
Batay sa ulat, inaasahang magsisimula ang 2020-21 season ng nba sa December 22 pero magkakaroon muna ng laban para pre-season simula December 11.
Habang ilulunsan naman ang training camps ng mga koponan sa susunod na linggo.
Inaasahan namang iaanunsyo ng NBA ang schedule ng laban para sa bagong season sa mga susunod na araw.
Magugunitang tinapos ng NBA ang kanilang 2019-20 season sa pamamagitan ng bubble games sa Orlando matapos na maantala ito noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.