Nanganganib maantala ang inaasahang pagsisimula ng operasyon ng LRT line 2 extension ngayong taon.
Bagaman halos tapos na ang proyekto, wala pa itong mga riles, istasyon habang ang electro-mechanical component installation project ay sa Hulyo pa ire-reauction at i-aaward sa mananalong contractor.
Sa pagtaya ng Department of Transportation, sa Enero ng taong 2019 pa magiging operational ang Line 2 extension sa halip na sa original target na third quarter ngayong taon dahil sa delay.
Isa sa mga rason ng pagka-antala ng electro-mechanical components installation ay ang magkakahiwalay na kontrata upang paboran umano ang mga small-scale bidder.
Gayunman, nilinaw ng kagawaran na sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas.
By Drew Nacino