Maganda ang resulta ng pagsisimula ng OAV o overseas absentee voters noong sabado, April 9.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista sa gitna na rin ng monitoring nila sa pagpapatupad ng OAV para sa May 9 elections.
Sinabi ni Bautista na tiwala pa rin silang maaabot ang target na halos 50 porsyento ng voters turn out sa OAV.
“Noong 2013 ang number of registered voters was 737,000, ang bumoto lang ay 118,000 o 16 percent, sa aming palagay naku napakababa. Pero nitong 2016 ang number of registered voters ay dumoble 1.37 million, at sana rin ang turnout ay dumoble para sulit din ang ating binabayad kasi malaki rin ang ginagastos ng ating pamahalaan para sa overseas voting.” Pahayag ni Bautista.
By Judith Larino | Karambola