Naging matagumpay ang pagsisimula ng “sabayang patak” o pamamahagi ng libreng bakuna kontra polio ng Department of Health sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Dinagsa ito ng mga magulang upang pabakunahan ang kanilang mga anak para makatiyak na ligtas ang mga ito sa sakit na polio matapos mapaulat ang pagbabalik nito makalipas ang dalawang dekada.
Target ng DOH na mabakunahan ang mahigit 1.2M bata sa Metro Manila.
Gayundin ang mga bata sa Bangsamoro autonomous region in Muslim Mindanao.
Aarangkada ang pamamahagi ng libreng bakuna kotra polio hanggang Oktubre 27.