Posibleng tumagal pa ang nararanasang mahinang El Niño sa bansa na maaaring magpaantala sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan hanggang Agosto.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Weather Specialist Jorybell Masallo, batay sa major climate models, may posibilidad na magpatuloy sa Hunyo hanggang Agosto ang El Niño phenomenon.
Aniya, ngayong buwan below normal rainfall condition ang mararanasan sa Bicol Region, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Western at Southern Luzon.
Habang sa Hunyo, generally normal ang rainfall condition sa Visayas at Mindanao maliban sa bahagi ng Northern at Central Luzon.
Dagdag ni Masallo, makararanas pa rin hanggang katapusan ng Mayo ng dry spell ang apat na porsyento (4%) ng bahagi ng bansa habang drought sa labingpitong (17) probinsya.