Posibleng pumasok sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hunyo ang tag-ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa ngayon ay nasa transition period pa lamang o pagpapalit ng panahon mula tag-init patungo sa tag-ulan.
May criteria rin ang PAGASA bago magdeklara ng pagsisimula ng rainy season at kabilang sa mga ito ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat at 25-millimeter rainfall na maitatala sa lima mula sa walong PAGASA stations sa buong bansa sa limang magkakasunod na araw.
Dagdag ng weather bureau, normal lamang na makaranas ang bansa partikular ang western section ng thunderstorms gaya ng naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal, Bulacan kagabi.
Sa kabila nito, asahan pa rin ang maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na limang araw.
By Drew Nacino