Magsisimula na mamaya ang salpukan sa pagitan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University sa kanilang UAAP men’s basketball best-of-three finals.
Isang dekada nang uhaw sa korona ang Tamaraws kaya’t gagawin nito ang lahat upang masungkit ang men’s basketball title.
Ipinag-utos naman ng pamunuan ng FEU ang pagsuspinde sa mga pang-hapon at panggabing klase sa kanilang Manila at Makati campuses ngayong araw.
Ayon kay FEU President Michael Alba, ito’y upang masuportahan ng mga estudyante ang mga Tamaraw sa Game 1 ng serye na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
By Jelbert Perdez