Kasado na ang lahat sa pagsisimula ng Winter Olympics sa South Korea mula ngayon hanggang Pebrero 25.
Magsisimula ang opening ceremony alas-7:00 mamayang gabi oras sa Pilipinas at gaganapin sa Pyeongchang Olympic Stadium na may kapasidad ng tatlumpu’t limang libo (35,000) katao.
Labing limang (15) sports ang nakalatag kung saan pag-aagawan ng mga atleta ang isandaan at dalawang (102) medalya.
Ang Winter Olympics ang nakikitang pinakamalamig sa kasaysayan subalit nagpatunaw at nagbigay ng init sa ugnayan ng North at South Korea.
Lalahok sa Winter Olympics ang joint women’s hockey team ng North at South Korea gamit ang iisang bandila.
—-