Hinarang ng Department of Justice (DOJ) ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sitahin ang mga amang kinalilimutan ang obligasyon sa kanilang mga anak.
Mababatid na nagkaroon ng kasunduan ang Public Attorney’s Office (PAO) at DSWD na sitahin sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat ang mga ama na nakakalimot sa kanilang mga responsibilidad.
Ayon kay justice secretary Jesus Crispin Remulla, may problema sa naturang panukala dahil maaari aniya itong ihalintulad sa isang demand letter at nagmimistulang abogado ng bata ang DSWD.
Pinuri naman ni Remulla ang layunin ni Tulfo, ngunit hindi aniya ito trabaho ng ahensya at maaaring sakop pa aniya ito ng ibang ahensya tulad ng PAO. —mula sa panulat ni Hannah Oledan