Tinanggap na ng Palasyo ang paghingi ng paumanhin ng may ari ng Chinese ship na bumangga sa sasakyang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank noong Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, welcome din ang ginawang pagtanggap ng responsibilidad ng may- ari ng barko sa nangyaring insidente at ang kahandaan nito na magbigay ng kompensasyon sa mga biktima.
Ngunit taliwas naman dito ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr na nagsabing hindi niya tinanggap ang apology dahil hindi naman siya ang mangingisdang nabiktima sa naturang insidente.
Una nang kinumpirma ni Sec. Locsin na tinanggap niya ang letter of apology mula sa may ari ng sasakyang pandagat at tanging minarka niya dito ay noted.