Hindi boluntaryo ang ginawang paghingi ng tawad ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga at umabandona sa 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.
Ayon kay Ambassador to China Chito Sta. Romana, hiningi ng Pamahalaan ng Pilipinas ang public apology mula sa may-ari ng Chinese vessel na sangkot sa Recto Bank incident noong Hunyo.
Dagdag ni Sta. Romana, dumaan pa sa dalawang buwang negosasyon ang Pilipinas at China hinggil sa usapin at para makakuha ng public apology.
Gayunman, sinabi ni Sta. Romana na una nang nagpaabot ng paumanhin sa insidente ang Chinese government sa pamamagitan ng kanilang Foreign Ministry noon pang Hunyo.