Nakatakdang isubasta ng gobyerno ang Marcos jewelry collection narekober mula sa pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Commission on Good Government o PCGG Commissioner Andrew de Castro, umaasa sila na masusubasta ang mga nasabing alahas bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino.
Naglunsad din ng website na layuning maibalik ang daan-daang paintings na pinaniniwalaang napabilang sa Marcos ill-gotten wealth.
Ipinaliwanag ni de Castro na kahit sino ang mahalal bilang pangulo ay tungkulin nila sa PCGG na i-dispose ang tatlong Marcos jewelry collection sa lalong madaling panahon.
Tinatayang isang bilyong piso o 21 million dollars ang halaga ng mga nasabing koleksyon na binubuo ng nasa apatnaraang alahas.
By Drew Nacino