Isang malaking pagkakamali na subukan ang pasensya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng katiwalian.
Inihayag ito ni Government Peace Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa kontrobersyang kinasangkutan ng 2 Deputy Commissioners ng Bureau of Immigration.
Sinabi ni Bello na mas makabubuting lisanin na lamang ng 2 opisyal ang kanilang opisina at huwag ng hintayin pang si Pangulong Duterte ang magsibak sa kanila.
Iginiit ni Bello na batid ng lahat ang adbokasiya ng Presidente kontra katiwalian kaya’t dapat maging babala na ito sa mga opisyal at kawani ng gobyerno para hindi matulad sa 92 opisyal at kawani ng LTO at LTFRB na sinibak sa puwesto.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping