Inatasan ni DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa kaniyang mga Regional Directors na tuldukan ang illegal logging sa bansa.
Inihayag ito ng kalihim makaraang masabat ang may 200 iligal na troso o punong kahoy sa iba’t ibang lugar sa Agusan Del Sur.
Kabilang sa mga nasabat na mga punong kahoy na iligal na pinutol ay mga Dipterocarps, Lanipao, Mahogany, Malapajo at iba pa.
Nagsagawa ng operasyon ang Environmental Anti-Crime Task Force ng DENR mula nuong Pebrero 2 hanggang 6.
By Jaymark Dagala