Itinutulak ng karamihan sa mga bansa sa Asya ang paggamit ng social media upang masugpo ang bayolenteng extremism sa rehiyon.
Sa isang draft statement, inaasahang lilikha ng regional mechanism ang mga foreign minister mula sa ASEAN o Association of South East Asian Nations at 17 dialogue partner-countries sa pagpupulong bukas.
Pangunahing tatalakayin sa ARF o ASEAN Regional Forum sa Maynila ang ‘Security of Information Communication Technology’ na pangungunahan ng Japan, Malaysia at Singapore.
Sinasabing ikinababahala na ng mga ASEAN minister ang pagdami ng mga supporter ng mga rebelde dahil sa social media.
Daan-daang tao na rin ang namamatay sa giyera sa Marawi City habang libu-libo na rin ang mga nagsilikas.