Tuluyan nang tinuldukan ng isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ilalim ni Amah Pattit ang kanyang pakikipaglaban sa Pamahalaan.
Ito’y matapos personal na sumuko ang naturang bandido na hindi muna pinangalanan sa Army’s 1101st Infantry Brigade sa pangunguna ng Commander nitong si B/Gen. Eugenio Boquio sa kanilang headquarters sa Talipao, Sulu .
Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM) chief, Lt/Gen. Alfredo Rosario Jr., patunay lamang na nagbunga ang inilunsad na combat operations at pagsusulong ng kapayapaan at suporta ng local government gayundin ng mga Tausug sa lalawigan.
Napipilitan na aniyang sumuko ang nalalabing Abu Sayyaf dahil kontrolado na ng militar ang kanilang kuta at ginawa nang mapayapang komunidad.
Umaasa naman si Rosario na malapit nang matapos ang terorismo sa Sulu dahil ngayong taon lamang ay umabot na sa 18 Abu Sayyaf ang sumuko sa tropa ng gobyerno sa lalawigan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)