Pinalagan ng Amnesty International (AI) ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang parusang bitay.
Ayon kay Amnesty International Philippines Section Director Butch Olano, mas lalala lamang ang impunity sa bansa kung ibabalik ang death penalty.
Aniya, ginawa ng pangulo ang pahayag kasunod ng pagkamatay ng isang tatlong taong bata sa isang police operation.
Bagamat tinalakay umano ng pangulo ang drug war ay hindi naman nito binaggit ang tunay na estado ng patayan sa bansa.