Pinaigting ng Immigration Officers Association of the Philippines ang pagla-lobby para sa pagpasa ng batas na magtataas sa sahod ng mga taga-Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Er German Robinn, pangulo ng grupo, umaasa silang maipapasa ng Kongreso ngayong taon ang pag-amyenda sa Immigration Act of 1940 kung saan itataas sa salary grade 18 ang kasalukuyang salary grade 11 para sa mga Immigration officers.
Sa ilalim anya ng kasalukuyang batas, nasa 22,000 lamang ang suweldo ng Immigration officer 1 na malayong-malayo sa kanilang counterparts sa Southeast Asian countries.
Aminado si Robinn na na-demoralized sila nang tanggalin ang kanilang overtime pay subalit hindi anya ito dapat maging dahilan para gumawa ng katiwalian.
Binigyang diin ni Robinn na bukas sila sa imbestigasyong isasagawa ng National Bureau of Immigration (NBI) sa kanilang tanggapan.
Mataandaan na humarap sa senado si Immigration Officer 1 Allison Aguas Chiong at ibinulgar ang “pastillas scheme” kung saan binibigyan ng VIP treatment ang mga Chinese nationals sa Immigration kapalit ng pera.