Minamadali na ng Malacañang ang pagbuo sa executive order para sa Freedom of Information (FOI) Bill.
Ayon kay Secretary Martin Andanar ng PCOO o Presidential Communications Operations Office, magiging bukas na sa publiko ang mga dokumento at impormasyon mula sa mga tanggapan ng pamahalaan sa sandaling malagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagamat may bisa lamang anya ang EO sa mga tanggapan ng pamahalaan, nagpahayag ng pag-asa si Andanar na gawing senyales ito ng Kongreso upang ipasa ang Freedom of Information Bill.
Bahagi ng pahayag ni PCOO Secretary Martin Andanar
Inihayag din ni Andanar na bahagi ng pagtupad sa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya ang pagsusulong ng FOI Bill.
Aniya ito ay para sa itinutulak na transparency ng Duterte administration sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
By Len Aguirre | Jelbert Perdez | Ratsada Balita