Sinimulan na ng ilang Local Government Units (LGUs) ang pagbabahay-bahay para sunduin at dalhin sa mga barangay ang mga babakunahan laban sa COVID-19 ayon sa League of Provinces of the Philipines (LPP).
Sinabi ni LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. Na ginagawa nila ito upang mas mapalawak nila ang roll-out ng COVID-19 vaccination.
Matatandaang inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga LGU na palakasin ang kampanya ukol sa pagbabakuna upang maabot ang target na 70% ng kabuuang populasyon na fully vaccinated ngayon taon. —sa panulat ni Airiam Sancho