Muling nakiusap ang Philippine National Police o PNP sa publiko na sumunod at igalang ang mga tagapagpatupad ng batas
Ito ang inihayag ni PNP OIC P/LtG. Guillermo Eleazar kasabay ng pagsisimula ng uniformed curfew hours simula mamayang gabi.
Ayon kay Eleazar, mahigpit ang habilin nila sa mga Pulis na ipatupad ang maximum tolerance sa mga pasaway na lalabag sa curfew subalit hindi ibig sabihin nito ay wala nang arestuhan na mangyayari.
Pinatitiyak din ni Eleazar sa mga Pulis na dapat masunod pa rin ang minimum health protocols kapag nagsagawa ng pag aresto sa mga pasaway.
Una rito, nasa 10k Pulis ang ipakakalat sa buong NCR na gaganap ng iba’t ibang toka kabilang na ang pagpapatrulya at pagmamando sa mahigit 300 checkpoint.