Pina-alalahanan ng Catholic Media Network ang publiko na sumunod sa huling habilin ng mga namatay lalo’t kung nais ng mga ito na i-cremate.
Gayunman, nilinaw ni CMN President Father Francis Lucas na dapat ilibing ng maayos ang mga abo.
Ayon kay Lucas, bagaman pinapayagan na ng simbahang katolika ang cremation, dapat ilagay sa isang lugar o puntod ang abo sa halip na ilagak sa bahay.
Hindi naman anya libingan ang bahay at hindi rin naman dapat iwan ang abo sa tahanan.
Samantala, inihayag ni Lucas na hindi na kailangang tumawag ang mga miyembro ng pamilya ng serbisyo ng pari upang pa-bendisyunan ng holy water ang puntod ng mga kaanak dahil maaari namang humingi na lamang ng holy water sa simbahan.
By: Drew Nacino