Nagpaabot ng pagbati si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa lahat ng mga makabagong bayani ng bayan ngayong National Heroe’s Day.
Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ng Kalihim na ang simpleng pagsunod sa mga health protocols gayundin ang pagsuporta sa vaccination ng Gubyerno ay maituturing nang isang kabayanihan.
Ngayong panahon aniya ng pandemiya ay dapat ipakita ng mga Pilipino ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa mga hakbang na magsasaalang-alang sa kapakanan ng bawat isa.
Nanawagan din si Lorenzana sa publiko na dapat gawing inspirasyon ng lahat ang mga bayani ng nakalipas upang magampanan ng bawat isa ang tungkulin sa kasalukuyan na magkaisa para sa bayan.
Kasunod nito, inalala rin ng Kalihim ang kabayanihang ginawa ng mga tropa ng Pamahalaan na naghandog ng kanilang buhay sa kasagsagan ng mga pag-atake sa Zamboanga at Marawi, ilang taon na ang nakalilipas.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)