Huwag nang magpasaway upang hindi maabala at magbayad ng kaukulang multa.
Ito ang apela ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa darating na Undas.
Kabilang na aniya dito ang paggamit ng sound system o pag-iingay na mahigpit na ipinagbabawal maging sa mga nakatira sa loob ng sementeryo o mga caretaker.
Pati na rin ang pagpapasok ng anumang uri ng sasakyan sa loob ng Manila North at South Cemetery, nakalalasong inumin, flammable materials, baril, kutsilyo at matutulis na bagay, baraha, bingo at iba pang uri ng sugal.
Giit ng Alkalde marami ang pupunta sa sementeryo para dumalaw sa mga mahal sa buhay at hindi para mag-party.