Inako ng NPA o New People’s Army ang pagsalakay at pagsunog sa mga heavy equipment ng hydro power company sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sa isang statement, sinabi ni Madaay Gasic, spokesman ng Lucio de Guzman command ng NPA, nais nilang mahinto ang operasyn ng scpc o sta clara power coporation dahil nakakasira ito sa kalikasan ng Mindoro.
Sinabi ni Gasic na kabilang sa kanilang sinunog ang batching plant at apatnaput apat na heavy equipment na kinabibilangan ng backhoe, limang bigfoot trucks, dalawang payloader trucks, crusher at cement mixer.
Samantala, isang no let up operation naman ang inilunsad ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at sundalo upang tugisin ang grupo nina Gasic.
Ayon kay Col. Marcialliano Teofino, commanding officer ng 203rd Infantry Brigade, nakatakda na sanang magsilbi sa mamamayan ng Mindoro ang hydropower plant na may kapasidad na 8 megawatts.