Obligado na ang pagsusuot ng face shields ng mga residente sa Pateros, maliban pa sa suot na facemasks.
Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce III, huhulihin ang mga makikitang walang suot na face shield at papatawan ng parusa.
Sinabi ni Ponce, maaaring pumili ang mga mahuhuling lalabag sa 12 oras na pagkakakulong o P2,000 pisong multa.
Sakali naman aniyang magiging paulit-ulit ang paglabag, sasampahan na ito ng kasong disobedience sa ilalim ng revised penal code.
Iginiit naman ni Ponce na kanilang ipinasa ang ordinansa sa mandatory na pagsusuot ng face shield para mapigilan ang lalu pang pagkalat ng COVID-19 sa munisipalidad.