Hindi na kailangan gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 hanggang Alert level 3.
Ito ay ayon sa New Normal Manual ng Commission on Elections (COMELEC).
Bukod dito, nagpaalala ang Poll body sa publiko na sumunod pa rin sa mga protocol bago, habang at pagkatapos lumahok sa botohan sa May 9, 2022.
Samantala, para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1, 2 at 3, ang paggamit ng face shield ay boluntaryo batay na rin sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang November 15, Protocols on the use of Face shield.
Dapat rin umanong obserbahan ng publiko ang physical distancing ng hindi bababa sa isang metro.
Pagkatapos ay magpapatuloy sila sa Voters’ Assistance Desk upang makakuha ng presinto at sequence number; tumuloy sa lugar ng botohan; i-sanitize ang mga kamay sa sanitation station bago pumasok sa lugar ng botohan; ibigay ang kanilang numero ng presinto at sequence number at bumoto.