Hiniling ng ALU – TUCP o Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines sa DOLE o Department of Labor and Employment ang pagbabawal sa employers na sapilitang pagsuotin ng high heels ang kanilang mga empleyadong babae.
Ayon sa ALU-TUCP nakakatanggap sila ng mga reklamo mula sa ilang mga sales attendant na kinakailangang magsuot ng high heels habang nakatayo nang matagal.
Iginiit ng grupo na magdudulot ito ng masamang epekto sa kalusugan ng mga empleyado tulad ng pananakit ng mga paa o magiging dahilan ng mga aksidente.
Kabilang sa mga makikinabang sa kahilingan ng ALU-TUCP ay ang mga sales ladies sa mga malls, sales promodisers, waitress, receptionist at flight attendants.