Welcome sa Department of Education ang pahayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines o CBCP na suportado nito ang mandatory drug test para sa mga grade 4 student na ipinanukala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay DepEd Undersecretary Anne Sevilla, kung ano ang kinakailangan para sa improvement o ikabubuti ng komunidad ay hindi ito tututulan ng kagawaran.
Dagdag ni Sevilla, nakatakdang makipagpulong ang DepEd sa mga opisyal ng PDEA upang matiyak na magiging maayos at maiiwasan ang overlapping sa pagpapatupad ng panukalang random drug test sa mga grade 4 student.
“Wine-welcome natin ang mga panukala we want to make some improvement lalo na kung ang environment natin ay constantly changing. So ibig sabihin po, kung ano po ang mas kailangan na ng society then DepEd will comply. Ang gusto lang po nating sabihin dito, kaya nga po magkakaroon ng meeting together with PDEA, ay gusto naming i-share baka kasi po magkaroon tayo ng redundancy or baka magkaroon ng overlap and ofcourse, gusto natin ay efficiency ng ating mga resources.”