Hindi na ikinagulat pa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagsuporta sa kanyang kandidatura ng ilang miyembro ng Liberal Party.
Sa kanyang radio program, sinabi ni Duterte na sinasalamin ng suporta na kaniyang natatanggap mula sa ibat ibang partido ang matibay na political unity sa region 11.
Di tulad aniya sa Metro Manila at mga katabing lugar kung saan, mga opinyon ang sinusunod.
Ilan sa mga napapabalitang mangingibang bakod mula sa LP ay sina Tagum City Mayor Rey Uy at Congressional Candidate Antonio Tonyboy Floirendo Junior.
Muli namang iginiit ni Duterte na hindi niya kayang magbigay ng financial support at makinarya sa mga miyembro ng ilang partido na lilipad sa kanyang kampo.
Inilahad din ni Duterte na ngayong buwan o sa Enero siya maghahanap ng pondo para sa kanyang kampanya. Pero paglilinaw ng alkalde, hindi siya tatanggap ng pera sa kung sinuman, kung may kapalit itong pabor sa hinaharap.
By: Jonathan Andal