Maliban sa mga survey, marami ring lumitaw na iba’t ibang sektor upang suportahan ang ilang mga kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.
Ito, ayon kay Ramon Casiple, isang political analyst, sa panayam ng DWIZ, kung saan marami aniyang naglabasang religious groups.
Bibihira aniyang mangyari ito, kaya’t kaabang-abang ang magiging resulta ng eleksyon.
Matatandaang kamakailan lamang ay opisyal na inendorso ng iglesia ni cristo ang kandidatura nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.
Habang inendorso naman ng United Church of Christ of the Philippines at mahigit 1,200 pari, obispo at mga diyakono ang kandidatura sa pagka-pangulo ni vice president Leni Robredo at kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.