Idinipensa ng Malacañang ang pagsuporta ng Pangulong Benigno Aquino III sa Roxas-Robredo tandem para sa 2016 elections.
Sinamahan ng Pangulo sina dating DILG Secretary Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo sa misa sa Manila Cathedral kasama ang ilan pang cabinet members bago tumulak ang kandidato sa COMELEC para mag-file ng COC o certificate of candidacy.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ginagampanan lamang ng Pangulo ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ng Liberal Party at ama ng Daang Matuwid Coalition.
Una nang inihayag ni PNoy na ibubuhos niya ang lahat ng suporta sa mga kandidato ng LP.
Tinitiyak ni Coloma na hindi mapapabayaan ang serbisyo sa bayan hanggang sa huling araw nang panunungkulan ay ipatutupad ang mga reporma sa gobyerno at tungkulin sa taumbayan.
By Judith Larino