Itinanggi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na suportado niya ang panawagang tumakbo sa 2022 national elections si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Tinawag na kasinungalingan ni Jimenez ang post sa social media page na showbiz fanaticz na suportado niya umano ang run Sara run campaign!
Dahil dito nagpatulong si Jimenez sa netizens para mai-report ang naturang post na aniya’y intentionally misleading.