Iminungkahi ni Senador Gringo Honasan na pansamantalang munang suspendihin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front.
Ito ay matapos ng ginawang pag-atake ng NPA sa himpilan ng pulis sa Maasin, Iloilo.
Ayon kay Honasan, hindi uubra at tila lokohan kung nakikipag-usap ukol sa kapayapaan ang NDF sa pamahalaan habang umaatake naman ang kanilang armadong grupo.
Giit ng senador kung tunay na hindi kontrolado ng NDF ang mga miyembro ng NPA ay dapat magpalabas ito ng pagkundena sa ginawang pagsalakay ng kanilang armadong grupo sa Iloilo.
Gayunman hindi pabor si Honasan na tuluyan nang itigil ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa rebeldeng grupo ukol sa kapayapaan.
Aniya, dapat magpalabas ng joint statement ang magkabilang panig hinggil sa pansamantalang pag-suspendi sa peacetalks kung hindi kukundenahin ang sa ginawang pag-atake ng NPA.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno