Ikinalugod ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ang naging pasiya ng pamahalaan na suspendehin ang pagpapatupad ng reduced physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Sa ipinalabas na pahayag ng HPACC, kanilang pinasalamatan ang lahat ng nasa gobyerno at pribadong sektor na nagbigay ng suporta para tutulan ang naturang polisiya.
Dahil dito, sinabi ng grupo na mas sumidhi ang kanilang paninindigan para sa isang evidence-informed at evidence-based na mga hakbang upang patuloy na maprotektahan ang lahat ng mga filipino mula sa kasalukuyang pandemic.
Iginiit ng grupo, mas makapagpapalala sa sitwasyon at tinatayang magreresulta ng pitong daang karagdagang bagong kaso ng COVID-19 kada araw ang pagbabawas sa distansiya sa pagitan ng bawat mga pasahero sa 0.75 meters.
Sa nabanggit anilang pagtaya, posibleng 140 sa mga ito ang ma-ospital at 7 ang masawi habang makapagdaragdag din ito ng 25,000 pang mga contacts.