Wala pang pangangailangan para magsuspinde ng klase ang eskuwelahan dahil sa banta ng novel corona virus (2019-nCoV).
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng naging desisyon ng ilang eskuwelahan partikular ang mga kilalang Chinese schools na magsuspinde ng pasok.
Ayon kay Duque, hindi nila alam ang batayan ng nasa anim na pribadong mga paaralan sa pagpapasiyang magsuspinde ng klase dahil sa nCoV.
Sinabi ni Duque, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa who World Health Organizations at wala rin silang ipinalalabas na guidelines hinggil sa pagsususpinde ng klase.
Gayunman, binigyang diin ng kalihim na nasa pagpapasiya pa rin ng pamunuan ng mga paaralan kung magsusupinde ng klase.
Patuloy naman aniyang makikipag-ugnayan ang DOH sa mga eskuwelahan.