Sinuportahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon ng klase sa Metro Manila sa 30th South East Asian Games (SEA Games).
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, malaking tulong ito para maging magaan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lungsod sa Metro Manila.
Aniya, mas magiging maayos ang galaw ng mga delegates kung maluwag ang kalsada.
Una na rito ay nagdeklara na ng suspensyon ang apat na paaralan na malapit sa mga venues na pagdadausan ng mga sports events ng SEA Games.