Paglabag umano sa Section 5, Article 11 ng 1987 constitution ang pagsuspinde ng Malakanyang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Ito ang inihayag ni Senador Antonio Trillianes matapos igiit na isa ring impeachable offense ang pagsuspinde kay Carandang at paglabag ito sa isinasaad ng saligang batas na Independence ng Office of the Ombudsman at mga deputy nito.
Iginiit ni Trillianes na malinaw na panibago itong taktika ng administradyong Duterte upang i-bully ang mga Democratic Institution at ipagpagpatuloy ang diktadurya at tiwaling paraan ng pamumuno.
Magugunitang sinuspinde ng Palasyo ng 90 araw si Carandang dahil sa umano’y grave misconduct at grave dishonesty matapos ang pagleak ng confidential information at pagsisiwalat ng maling impormasyon.