Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng pagsuspinde ng overseas voting o pagdedeklara ng “failure of elections” sa mga bansang Afghanistan at Ukraine.
Ayon kay COMELEC Director Sinoa Bea Wee-Lozada, hindi makakaboto ang mga rehistradong overseas voters sa dalawang bansa dahil na rin sa patuloy na mandatory repatriation doon.
Batay sa datos ng COMELEC, mayroong 1,697,090 na rehistradong Filipino voters sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Maaalala na una nang sinuspinde pansamantala ng COMELEC ang overseas voting sa Shanghai, China, dahil sa ipinatutupad na lockdown sa lugar bunsod ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Samantala, kinansela na rin ang overseas voting sa mga bansang may security concerns gaya ng Algeria, Chad, Tunisia, Libya, at Iraq.