Pinalawig pa ang suspensyon ng termination ng visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Inanunsyo ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. matapos aniyang magpasya ang Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng anim na buwan ang nasabing suspensyon sa VFA termination.
Ang desisyon ayon kay Locsin ay para magkaroon pa ng panahon ang gobyerno na makahanap ng mas mabuti, kapwa beneficial sa dalawang bansa at higit na epektibo para sa pang matagalang kasunduan sa pagsusulong ng mutual defense.